aNg aKinG daSaL…by dHympLes…
Isang umaga, nagising ako,
Sinisigaw ng puso ko ang pangalan mo.
Parang ayaw ko pang maniwala
na mahal na nga kita .
Weirdo kung iisipin,
‘Di ko na nga alam ang gagawin.
Pilit ko na tinuturuan ang puso ko,
ngunit ayaw niya talagang magpatalo.
Gabi- gabi kitang iniisip,
kaya tuloy ikaw pa rin ang laman ng aking panaginip.
Unti- unting aagos ang aking luha,
sabay sigaw "bakit siya pa?!"
Bakit ikaw eh ang dami naman diyang iba?
Bakit kailangan ikaw na kaibigan ko pa?
Wala naman akong ginagawang masama,
bakit ako pinaparusahan ng tadhana?
Ngayong araw na ito,
ipinapangako ko sa sarili ko,
lilimutin na kita.
Ako sayo’y magpapaalam na.
Hindi ako isang banal,
pero ngayong gabi ako’y magdadasal.
Dinggin nawa ng Maykapal,
sana bukas, paggising ko ‘di na kita mahal…
